Barzaga

Patunay na tama ang landas na tinatahak ni Speaker Romualdez pinagtibay ng survey

Mar Rodriguez Sep 10, 2023
144 Views

NAGBUNGA na ang pagsusumikap ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na mabawasan ang pasanin ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtulong na mapababa ang presyo ng mga bilihin gaya ng bigas, sibuyas at iba pang pangunahing bilihin, ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr.

“This simply means the Speaker – and that includes us representatives of our institution – is on the right track. Regardless of what naysayers have been saying, the people have apparently started appreciating the work that he did, and of course with us as support group,” sabi ni Barzaga.

Ang pinatutungkulan ni Barzaga ay ang resulta ng pinakahuling survey ng OCTA Research group kung saan nakapagtala ng 54 porsyentong satisfaction rating ang Kamara de Representantes.

Siyam na porsyento lamang ang dissatisfied at 36 porsyento ang undecided, ayon sa survey.

Pinuri ni Barzaga, chairman ng House Committee on Environment and Natural Resources, si Speaker Romualdez sa kanyang magandang trabaho at sinabi na ang puso nito ay nasa tamang lugar.

“The 54 percent satisfaction rating tells us that we started on the right path. And so it’s also a continuing challenge for us to do more and reach a level where a larger majority of our people will benefit from government initiatives,” ani Barzaga, dating pangulo ng National Unity Party (NUP).

“Just like in basketball, we already did good in the first half of the game. So now, we will keep and even step up the pace until the end of the race,” sabi pa ng dating alkade ng Dasmariñas City, na isa ring CPA lawyer.

Sinabi ni Barzaga na ipagpapatuloy ng Kamara ang pagpasa ng mga panukala upanhg maibsan ang kalagayan ng mga mamamayan, partikular ang mga nasa ilalim ng poverty line, habang ang gobyerno ay nagsusumikap na mapabuti ang hinaharap ng bansa at mapalayo ito sa third-world status.