Cavite

Payapa naging halalan sa Cavite

Dennis Abrina Jun 14, 2025
19 Views

CARMONA CITY, CAVITE–Generally peaceful ang naganap na halalan sa Cavite, ayon sa Provincial Joint Security Control Center(PJSCC) Exit Conference and Post Election Assessment Activity noong June 13 sa Carmona Community Center sa Brgy. Kabilang Baybay ng syudad na ito.

Ayon kay Atty. Mico Morales Castro, Cavite Election Supervisor, nagbigay ng kani-kanilang mga report ang mga stakeholders hinggil sa mga post-election incidents.

Ayon kay Atty. Morales-Castro, umabot sa 2,104 na miyembro ng pulisya at sundalo ang nagtulong-tulong para pangalagaan ang halalan.

“Kami po ay nagpapasalamat dahil buo pa rin ang tiwala ninyo sa DepEd pagdating sa larangan ng halalan.

Salamat po sa suporta ng bawat isa. Smooth and peacefull election, well accomodated all the voters in every precinct and timely submission of the data and meterials to Comelec, kahit po umuulan sa ibang bahagi ng lalawigan,” sabi ng opisyal.

Nakapagtala ng 78.61 percent voters turn-out para sa nakaraang halalan ang buong lalawigan.

Sa pagtatapos ng pagpupulong, binigyan ng pagkilala ang mga stakeholders sa nakaraang halalan kabilang si Dennis Abrina ng People’s Tonight.