Calendar

Payo ng Octa kay Mayor Honey, Versosa: Magsipag pa
PINAYUHAN ng OCTA Research group sina Manila Mayor Honey Lacuna at mayoral candidate Sam Versoza na magsipag pa upang makahabol sa agwat sa survey kay dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Ayon kay Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research, inaasahan ng marami na mangunguna sa survey si Mayor Lacuna dahil siya ang incumbent.
Base sa pinakahuling survey, sinabi ni Prof. Rye na kahit pagsamahin pa ang kabuuang porsyento nina Lacuna (15%) at Versoza (16%), hindi pa rin aabot kay Domagoso na may 67%.
“Uphill talaga. Kailangan magsipag pa ‘yung dalawang kasama niya sa survey para makahabol, lalo na ang ating incumbent mayor. Kailangan ng todo-sipag. May 44 days pa,” payo ni Prof. Rye.
Tumatakbo ngayon sa pagka-alkalde si Domagoso dala ang platapormang panunumbalik ng kalinisan, disiplina at kaayusan.