Payo ni Pepito sa mga bagito: Maging professional, maging magalang, mag-impok

Aster A Amoyo Aug 23, 2024
84 Views

Pepito1PepitoNASAAN na kaya ngayon ang isa sa mga miyembro ng “Stars 66” ng Sampaguita Pictures na si Pepito Rodriguez?

Si Jose Maria Rodriguez better known as Pepito Rodriguez ay ang nakababatang kapatid ng namayapang actor na si Ramil Rodriguez who passed on due to lung cancer nung 2014.

Kaibigan ni Pepito ang isa sa mga anak ni Dr. Perez na si Pepito Vera Perez kaya nakita siya at kapatid niyang si Ramil Rodriguez ni Doc Perez at pareho silang kinontrata ng Sampaguita Pictures. They were both given screen tests.

Ang unang screen test ni Pepito ay sa pelikulang “Amalia Mali-Mali at Susan Daldal” na pagsasamahan nina Amalia Fuentes at Susan Roces pero ito’y na-pack-up nang biglaang lumipat si Amalia sa Tagalog Ilang-Ilang Productions ni Atty. Espiridion Laxa.

Sa paglipat ni Amalia sa TIIP, binigyan si Susan ng ibang movie assignment, ang “Abaringding, Abaruray” kung saan nito nakatambal si Eddie Gutierrez kasama sina Rosemarie Sonora, Daisy Romualdez, Tito Galla, Blanca Gomez, Dindo Fernando at Pepito Rodriguez. Ito’y pinamahalaan ng actress-director na si Rosa Mia. Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang pagtatambal nina Rosemarie at Pepito sa mga pelikula ng Sampaguita Pictures.

Although he started his showbiz career nung 1963, it was only in 1966 nang siya’y i-launch ng Sampaguita Pictures then headed by Dr. Jose Perez along with nine other young stars ng film company kabilang sina Rosemarie Sonora, Blanca Gomez, Loretta Marquez, Edgar Salcedo, Dindo Fernando, Bert Leroy Jr., Ramil Rodriguez and Gina Pareno.

Si Edgar ay pumanaw nung 1977 na sinundan ni Dindo nung 1987 habang si Ramil naman nung 2014.

Although nakapareha ni Pepito ang ibang female leads ng Sampaguita, sila ni Rosemarie ang ginawang loveteam, isa sa mga hottest tandem noon sa bakuran ng film outfit at maraming pelikula ang kanilang pinagtambalan.

Latter part dumating sa Sampaguita Pictures ang actor na si Ricky Belmonte na nakatuluyan ni Rosemarie in real life. Rosemarie and Ricky got married in 1970 at nagkaroon sila ng tatlong anak, sina Renzo, Sheryl at Patrick. Pero ang relasyon ng dalawa ay nauwi sa hiwalayan nung 1986 at tumulak pa-Amerika si Rosemarie kung saan ito muling nag-asawa. Si Ricky ay sumakabilang-buhay nung October 3, 2001.

Nang mag-asawa si Rosemarie, naiwan si Pepito without a loveteam pero siya’y ipinareha sa ibang leading ladies ng Sampaguita.

Nang huminto si Pepito sa kanyang acting career, nag-focus ito sa kanyang negosyo ng mga medical equipments na siya pa rin niyang business hanggang ngayon.

Kung may pagkakataon, gusto pa rin ni Pepito balikan ang pag-arte.

Kahit matagal na siyang hindi umaarte, meron silang samahan ng mga kapwa niya veteran actors and actresses, ang “Balik-Samahan” kaya madalas pa rin silang nagkikita-kita ng kanyang mga kapwa artista noon. He is also in touch sa iba pa nilang mga kasamahan na sa Amerika na naka-base including Rosemarie.

Since sanay si Pepito sa disiplina nung siya’y nasa bakuran pa ng Sampaguita Pictures, gusto niya itong i-share sa mga baguhang artista ngayon – ang pagiging professional sa trabaho, magalang sa kapwa at pagi-impok.

“They should save up for the rainy days,” aniya.

Pepito is known sa kanyang pagiging gentleman, soft-spoken, magalang at pagiging professional sa kanyang trabaho, mga katangian na hanggang ngayon ay bitbit pa rin niya.

December Avenue mapapanood sa SM MOA

AvenueSA kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood ang kilalang December Avenue band sa SM MOA Arena, their first major concert in a big venue sa darating na August 30, 2024 at 8 pm na pinamagatang “ Sa Ilalim ng mga Bituin: December Avenue Concert” to be directed by singer-director na si Paolo Valencianoi with Nikko Rivera as musical director. Makakasama rin ng banda ang City Lights Symphony Orchestra produced ng NY Entourage Productions ni Nancy Yang. Said concert is presented by Wranger, Okada (na siyang official residence ng December Avenue), Bingo Plus at Dunkin’.

Sa unang araw pa lamang ng release ng concert tickets sa takilya ay 65% kaagad ang nabenta kaya expect a sold-out concert ng December Avenue. Dahil dito, nagdagdag ng areas sa loob ng MOA Arena to accommodate more people. Pinag-iisipan na rin ng NY Entourage Productions at ng MOA Arena ang isang repeat concert ng December Avenue na nakatakda ring magkaroon ng series of concert tour sa Amerika, Canada at iba pang bansa.

Apat sa mga hit songs ng grupo tulad ng “Kung ‘Di Rin Lang Ikaw,” “Sa Ngalan ng Pag-ibig,” “Huling Sandali (Tayo sa Huli)” at “Ibulong” ang lumagpas sa mahigit 100M streams with “Kung `Di Rin Lang Ikaw” reaching over 200M streams.

The 15-year-old band ay binubuo ng 5-piece indie pop/alternative rock band composed of Zel Bautista (vocals and acoustic guitars), Jet Danao (on drums and backing vocals), Don Gregorio (bass guitar), Jem Manuel (lead guitars) and Gelo Cruz (keyboards and backing vocals). Sa limang miyembro, apat sa kanila ay nagmula sa University of Santo Tomas (UST) habang si Gelo (who joined the band in 2016) ay nagmula sa De la Salle -College of St. Benilde.

Their common passion for music ang naging daan para mabuo ang December Avenue.

Kahit magkakaiba sila individually, ang kanilang pagmamahal sa kanilang musika ang susi kung bakit hanggang ngayon ay buo pa rin sila kahit pa matagal ding panahon ang kanilang ipinaghintay para makilala sila ng publiko at ng netizens.

Jodi malayo na ang narating

JodiJodi1WOW! Aster Fields ang character na ipu-portray ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa bagong primetime action-drama series na “Lavender Fields” na matutunghayan sa Kapamilya channel simula ngayong September 2, 2024 na unang mapapanood on Netflix on August 30 kasunod ang iWantTFC the following day. Ang nasabing serye ay muling pinagbibidahan ng Asian Academy Creative Awards’ Best Actress na si Jodi Sta. Maria who portrays the title role bilang Lavender Fields at bilang si Jasmin Flores. Makakasama niya rito ang bagong lovebirds na sina Jericho Rosales (as Tyrone de Vera and Arthur Pelaez) at Janine Gutierrez who plays the role of Iris Buenavidez. Tampok din sa nasabing serye sina Albert Martinez (as Zandro Fernandez), Edu Manzano (as Vittorio `Vitto’ Buenavidez, Jana Agoncillo, Krystal Mejes, Miguel Vergarda kasama sina Marc Santiago, Victor Neri, Soliman Cruz, Race Matias, Pamuy Pamorada, Alex Diaz, Eric Nicolas and a lot more with special guest participation nina Lotlot de Leon at Roxanne Guinoo. Ito’y magkatulong na pinamamahalaan nina Emmanuel Palo at Jojo Saguin produced by Dreamscape Entertainment for ABS-CBN.

Sobrang malayo na ang narating ni Jodi who started bilang Kapamilya since she was 15 nang siya’y maging bahagi ng Star Circle (now Star Magic) at magsimula sa mga youth-oriented programs tulad ng “Gimik,” “Flames,” “Jologs” at ang hit afternoon series na “Tabing Ilog”.

Kung matatandaan pa, taong 2012 hanggang 2014 nang pumalo nang husto sa ratings ang morning family series na “Be Careful with My Heart” kung saan lumutang ang tambalan nina Jodi at baguhan pa noong actor na si Richard Yap. Bukod sa tambalan nina Jodi at Richard, unti-unting lumitaw ang pagiging mahusay na aktres ni Jodi na kanyang pinatunayan sa mga sumunod niyang serye tulad ng “Pangako sa `Yo,” “Sana Dalawa ng Puso,” “Sino ang May Sala?” “My Single Lady,” “Ang Iyo ay Akin,” “The Broken Marriage Vow” at ang first joint TV venture ng ABS-CBN at GMA, ang “Unbreak My Heart.”

Dahil sa mga drama series na pinagbidahan ni Jodi na pawang top ratings, hindi maikakaila na siya na ang pinakabagong Drama Queen.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.