Calendar
Payo ni Valeriano kay Alvarez: Maghinay-hinay sa mga pahayag
PINAYUHAN ni Manila 2nd Dist. Cong. Rolando “CRV” M. Valeriano si dating House Speaker at Davao del Norte 1st Dist. Cong. Pantaleon “Bebot” D. Alvarez na maghinay-hinay sa kaniyang mga pahayag matapos nitong ipanawagan ang pagbibutiw ni President Bongbong R. Marcos, Jr.
Ang pahayag ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, ay kaugnay sa panawagan ni Alvarez para kay Pangulong Marcos, Jr. na magbitiw ito sa puwesto bunsod ng tumitinding tensiyin sa West Philippine Sea (WPS) sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ipinaalala ni Valeriano kay Alvarez na noong siya ang naka-upong House Speaker ng 17th Congress sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, nabigo rin siyang resolbahin bilang lider ng Kamara de Representantes ang komplikadong issue sa WPS.
Binigyang diin ng Metro Manila solon na ang Pilipinas ay kasalukuyang nahaharap sa isang masalimuot na sitwasyon o “tricky situation” dahil sa mga ginawa ng nakalipas na administrasyon sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa China na manghimasok sa WPS.
“As we remember during his term as House Speaker. he was a strongman of the ex-President who in all six years likewise failed to resolve the issues in the WPS. We are now in a tricky situation because of what the previous administration had done, allowing China to have a strong grip on us,” ayon kay Valeriano.
Ayon naman kay House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st Dist. Cong. Janette L. Garin, sa halip na manawagan si dating Speaker Alvarez ng pagbibitiw ng Pangulo. Mas makabubuting magbigay na lamang siya ng mga kongkretong solusyon para resolbahin ang problema sa WPS.
Sinabi ni Garin na ang isang halal na opisyal na tulad ng Pangulong Marcos, Jr. ay maaari lamang alisin sa puwesto ng mga taong mismong nagluklok sa kaniya. Kung kaya’t hindi patas na ipanawagan ang pagbaba ni Marcos, Jr. sa puwesto.