BBM1

PBBM: 95% ng transaksyon sa gobyerno gawing digital

141 Views

ITINULAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang digitalization ng 95 porsyento ng mga transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno kabilang ang mga lokal na pamahalaan.

Bukod sa magiging mabilis, sinabi ni Pangulong Marcos na mas masisiguro na tama ang serbisyong maibibigay sa publiko sa pag-digitalize ng mga transaksyon.

“Given the demands of these complex operations, it is highly crucial that digital transformation be fully embraced, especially in this era of rapid technological advancements. And we must ensure an efficient organization, accuracy, reliability and security of data using the state-of-the-art digital tools that are available,” ani Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa ika-86 anibersaryo ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Pasay City.

“Now, that for me, would be a very, very good target for all of our agencies in government and all our departments in government down to the LGUs. And we can say that 95 percent of the business of a citizen is done digitally, through the internet, including that of government,” sabi pa ng Pangulo.

Kinilala ng Pangulo ang GSIS dahil nanguna ito sa pag-digitalize ng kanilang operasyon.

Kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ay inilungsad ng GSIS ang GSIS Touch mobile application at ang GSIS Pabahay project nito sa Quezon City.

Hinamon naman ng Pangulo ang GSIS na lalo pang pagandahin ang mobile application nito para mas maging mabilis at madali ang paghahatid nito ng serbisyo sa kanilang mga miyembro.