BBM Ginawaran ni Pangulong Bongbong Marcos ng ‘Presidential Medal of Merit’ si Apo Maria “Whang-Od” Onggay February 14 bilang pagkilala sa kontribusyon ng mambabatok sa pagpipreserba ng Butbut Kalinga tradition.

PBBM: Apo Whang Od isang national treasure

Chona Yu Feb 14, 2024
363 Views

BINIGYANG pagkilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Apo Whang Od.

Ito ay dahil sa naging kontribusyon ng sikat na mambabatok sa traditional arts ng Pilipinas.

Sa mensahe ni Pangulong Marcos sa Civil Service Commission’s (CSC) Honor Awards Program (HAP) sa Malakanyang, kinilala nito ang mga manggagawa dahil sa natatanging wotk performance at ethical behavior.

Ginawaran ng Pangulo si Apo Whang Od ng Outstanding Government Worker of 2023 at Presidential Medal of Merit awards.

”We are honoring Apo Whang Od for works that have made her and the country famous for other achievements that make her Filipino worthy of our respect and of our admiration. She’s a pioneer in shattering gender stereotypes venturing into tattooing when it was just a man’s exclusive preserve,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Maikukunsidera aniya na national treasure si Apo Whang Od.

Ginawaran din ng parangal sina  Bernardino Dabuet na utility worker ng National Food Authority at Fernando Viado na Administrative Aide VI (Mechanic II) ng Antipolo City dahil sa natatanging pagganap sa kani kanilang mga tungkulin.