Calendar
PBBM: ASEAN suporta sa One China Policy pero humirit ng mapayapang solusyon sa isyu ng Taiwan
KINIKILALA umano ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang One China Policy subalit nais ng mga ito na maresolba ng mapayapa ang usapin sa Taiwan.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panayam sa Cambodia bago humarap sa Filipino community doon.
“Sinasabi, karamihan naman sa ’min, One China Policy. So sinasabi namin, ‘okay, we are still following the One China Policy but… we just want peace,’” ani Marcos.
“We believe that Taiwan is part of China but you must resolve those issues peacefully. ‘Yun lang naman ang hinihingi ng ASEAN. Huwag magkagulo,” dagdag pa ni Marcos.
Ang One-China Policy ay ang pagkilala na mayroon lamang iisang sovereign state na China at ang ibang lugar gaya ng Taiwan ay bahagi nito at hindi hiwalay na estado.
Sa isyu ng South China Sea sinabi ng Pangulo na ang lahat ng miyembro ng ASEAN at maging ng China na susunod ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa international laws kaugnay nito.