Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Nation
Mga kawani ng gobyerno tatanggap na ng bonus
Peoples Taliba Editor
Nov 15, 2022
545
Views
MAKAKATANGGAP na ng year-end bonus ang mga regular na empleyado ng gobyerno simula ngayong linggo.
Ayon kay Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada nasa 1.7 milyong empleyado ng gobyerno ang kuwalipikadong tumanggap ng year-end bonus.
Kung mayroon pa umanong makukuhang cash gift mula sa gobyerno ay nakadepende na ito sa Department of Budget and Management (DBM).
Sinabi ni Lizada na nasa 600,000 empleyado ng gobyerno ang nasa ilalim ng job order o contract of service na hindi kuwalipikadong tumanggap ng bonus.
Ayon kay Lizada nakadepende sa DBM kung mayroong ibibigay na bonus para sa mga ito.
