Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
BBM

PBBM bilang 100 Most Influential People sumasalamin sa kanyang pagsulong ng PH interes

Mar Rodriguez Apr 19, 2024
148 Views

ANG pagkakasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa 100 Most Influential People of 2024 ng TIME Magazine ay sumasalamin umano sa kanyang pagsusulong ng interes ng bansa at pagdepensa sa teritoryo nito, ayon kay Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez.

“This prestigious recognition is proof of the President’s commitment to advance the interests of the Filipino people and upholding our nation’s sovereignty and territorial integrity. PBBM’s unwavering stance against Chinese aggression in the West Philippine Sea exemplifies his dedication to safeguarding our country’s maritime rights and territorial sovereignty,” ani Suarez.

Kinilala ng TIME Magazine si Pangulong Marcos sa kanyang pagtindig laban sa mga agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea (WPS) at ang pagpapalakas ng alyansa nito sa Estados Unidos.

“His firm and principled approach in asserting our sovereign rights in the face of external threats has earned him widespread acclaim and admiration from both domestic and international communities. Tunay ngang nakikita natin ang pagiging makabayan at maka-Pilipino ng ating Pangulo sa kanyang patuloy na pagtindig laban sa panggigipit ng China sa WPS,” sabi ni Suarez.

Kinilala rin ni Suarez ang “visionary leadership” ni Suarez upang mapa-angat ang ekonomiya at mapa-unlad ang bansa.

“His administration’s efforts to attract foreign investments have significantly bolstered our economy, driving job creation, stimulating growth and fostering prosperity for all Filipinos,” wika pa ni Suarez.

“Moreover, President Marcos Jr.’s comprehensive economic agenda has yielded significant gains in addressing unemployment and underemployment. He has prioritized the development of critical infrastructure projects aimed at enhancing connectivity, promoting regional development, and driving inclusive growth across the country,” dagdag pa nito.

Nanawagan si Suarez sa mga Pilipino na suportahan si Pangulong Marcos at ang kanyang pagsulong ng kaunlaran at pagkakaisa ng bansa.