BBM

PBBM binati mga manggagawa sa Labor Day

Jon-jon Reyes May 1, 2025
14 Views

NAGPAHATID ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang makabuluhan at mapayapang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa noong Mayo 1.

Sa kanyang mensahe, kinikilala ng presidente ang sakripisyo at mahalagang papel ng mga Pilipinong manggagawa.

Tinitiyak din ni Pangulong Marcos na patuloy ang mga proyektong magsusulong sa paglago at kasaganahan ng mga manggagawa—hindi lang bilang tungkulin, kung hindi bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang halaga at sakripisyo.

Kinikilala ang mahahalagang kontribusyon ng mga manggagawang Pilipino sa pag-unlad ng bansa at muling pinagtitibay ang hindi natitinag na pangako ng gobyerno sa pagsuporta sa manggagawa at pagsusulong ng kanilang mga karapatan at kapakanan.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang 123rd Labor Day celebration sa SMX Convention Center sa Pasay City.

May temang “Manggagawang Pilipino, Kaagapay sa Pag-unlad, Sandigan ng Mas Matatag na Bagong Pilipinas,” nanguna sa event ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng pagbibigay ng 12,729 job opportunities na sinalihan ng 100 employers.

Sumasaklaw sa mga pangunahing sektor tulad ng Business Process Outsourcing (BPO), construction, wholesale at retail trade, turismo/hospitality, transportasyon at logistic, at kalusugan at kagalingan ang job fair.

Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) nagpapakita ng iba’t-ibang skills demonstrations sa ilalim ng Technical-Vocational Education.

Nag-aalok din ito ng mga libreng programa sa pagsasanay sa mga umuusbong na larangan tulad ng robotics at mechatronics ang TESDA.

Ang Department of Health (DOH) nagbibigay ng mahahalagang serbisyo, kabilang ang libreng medikal na konsultasyon at clearance.

Ang ibang mga ahensya ng gobyerno naroroon din upang suportahan ang mga naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pag-aalok ng dokumentasyon bago ang trabaho at mga serbisyo sa pagpapayo.

Kabilang dito ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Bureau of Internal Revenue (BIR), National Bureau of Investigation (NBI), Pag-IBIG Fund, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Philippine National Police (PNP), Philippine Statistics Authority (PSA), Philippine Identification System (PhilSys), Social Security Administration (SSS) at Social Security Administration (SSS) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

Bilang bahagi ng pagdiriwang, nakipagpulong si Pangulong Marcos sa The Outstanding Workers of the Republic (TOWER) Awardees para sa 2025, na kinikilala ang kanilang mga huwarang kontribusyon sa sektor ng paggawa sa bansa.

Pinangunahan ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma ang ceremonial distribution ng tulong na kinabibilangan ng P6,450 na cash para sa limang benepisyaryo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.