Azucena

PBBM biyaheng US para sa UN General Assembly

223 Views

BIBIYAHE si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Estados Unidos sa susunod na linggo para lumahok sa ika-77 United Nations General Assembly (UNGA).

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles aalis si Marcos sa Setyembre 18 patungong New York.

Nakatakda umanong talakayin ni Marcos ang mga isyu ng food security, climate change at ang pangangailangan na sumunod sa batas sa kanyang talumpati sa UN.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Kira Christianne Danganan-Azucena si Marcos ay inaasahang magsasalita alas-3:15 ng hapon sa Setyembre 20.

Ang tema ng UN general debate ay: “A Watershed Moments: Transformative Solutions to Interlocking Challenges.”