BBM1

PBBM dadalo sa coronation ni King Charles III

181 Views

TINANGGAP ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang imbitasyon para sa coronation ni King Charles III sa Mayo.

Kinumpirma ito ni Communications Secretary Cheloy Garafil.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. and First Lady Louise Araneta-Marcos have accepted the invitation to attend the coronation of His Majesty King Charles III and Her Majesty The Queen Consort at Westminster Abbey on Saturday, 6th May 2023,” sabi ni Secretary Garafil.

Tinanggap din ni Pangulong Marcos ang imbitasyon ng Master of the Household sa Reception na gaganapin sa Buckingham Palace bago ang Coronation of Their Majesties The King and The Queen Consort sa hapon ng Mayo 5, 2023.

“Furthermore, the President and the First Lady have accepted the invitation of the Master of the Household, upon command of His Majesty, to a Reception to be given at Buckingham Palace in advance of the Coronation of Their Majesties The King and The Queen Consort on Friday, 5th May 2023 at 5:00 p.m,” sabi ng kalihim.

Inaasahan na hindi magtatagal ang Pangulo sa London upang makapaghanda sa dadaluhang ASEAN Summit sa Mayo 9.