BBM

PBBM di papayagan na magkaroon ng destab sa administrasyon

Chona Yu May 16, 2024
78 Views

HINDI papayagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng destabilisasayon sa administrasyon.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Talk to Troops sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro, sinabi nito na naka-focus ang pamahalaan sa pagpapaunlad sa bansa at paglaban sa insurgency

“We will also not allow agents within the country to destabilize our government and create division within our nation,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“So, I urge all of you to continue to [demonstrate] your loyalty, patriotism, and service to your country. And let that love of country remain as your compass in your duty to our country and to our people,” pahayag ni Pangulong Marcos sa mga sundalo sa Army’s 4th Infantry Division (4ID).

Una rito, sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes na may mga aktibo at retiradong pulis ang kumikilos para patalsikin sa puwesto si Pangulong Marcos.

Panawagan ni Pangulong Marcos sa mga sundalo, ipagpatuloy ang operasyon sa mga lugar na nalinis na mula sa mga terorista.

“I call on you to develop the skills and acquire [knowledge] to combat new forms of warfare, including those that extend up to the digital realm,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“We must be prepared to fight false narratives, disinformation, and digital operations that seek to sow conflict [against us] and among us,” dagdag ng Pangulo.

Nagbabala pa si Pangulong Marcos sa mga kalaban ng gobyerno na nagtatago sa anino na poprotektahan ng gobyerno ang mamayan.

Nakahanda aniya ang pamahalaan na labanan ang ano mang uri ng banta.

Nakatutuok aniya ang gobyerno sa local development kung saan naglaan na ng P5.3 billyong pondo para sa 758 projects sa 356 barangays.

Mahalaga aniya ang mga proyektong ito para labanan ang communist insurgency.

Kabilang sa mga proyekto ang mga imprastraktura, pagpapagaw ang mga kalsada, water systems, schools, at health centers kung saan 78 porsyento sa mga ito ay tapos na.

“Because of your efforts, these who we consider our adversaries before are now (helping to) build their communities instead of destroying those communities,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“It will ensure peace in formerly conflict-affected areas and prevent communities from falling back into the trap of armed conflict,” dagdag ng Pangulo.