BBM2

PBBM gagawing mas competitive PH sa global tourism market

Chona Yu Jan 19, 2024
147 Views

Tourism sector palalakasin ni PBBM

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang iba’t ibang tanggapan ng gobyerno na pag-isahin na lamang ang mga serbisyong pang-turismo na inaalok ng Pilipinas.

Ayon kay Pangulong Matcos, ito ay para mas maging competitive pa sa global tourism market ang bansa.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos matapos ang rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism sector sa Malakanyang para makahikyat pa ng maraming turista sa bansa.

Inihalimbawa ng Pangulo ang sektor ng turismo sa Thailand kung saan mas mura at mayroong mas organisadong structure para sa tourism requirements tulad ng hotel, flight booking, tour guide at iba pa.

Iginiit ni Pangulong Marcos na dapat isa na lamang ang iiral na sistema para mas madali sa mga turista ang kanilang pagbabakasyon sa Pilipinas.

“So, there’s the thing. I guess, you know, consolidate the system. So that it’s because when you’re on vacation, you just want to stay at the beach and have a nice time. So, I think it’s the facilities that we have to develop,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang Department of Tourism (DOT) na pag- aralan ang potensyal ng bansa para sa sports development at food tourism para mas maka-attract pa ng maraming turista ang bansa.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na mas makakabuting gawing maayos at konbinyente ang mga pasilidad sa bansa dahil naniniwala siya na malaki ang potensyal ng sektor ng Pilipinas at ang kailangan lang ay mas pagbutihin pa.