BBM1

PBBM hangad tagumpay ng PH delegate sa SEA Games

214 Views

HANGAD ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tagumpay ng 840 delegasyon ng Pilipinas na lalahok sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa Cambodia.

Ayon kay Pangulong Marcos kumpiyansa ito sa kakayanan ng mga atletang Pilipino at kinilala ang pagsusumikap ng mga ito.

“You have 107 million na kakampi na walang ginawa kung hindi magdasal na maging successful sa inyo, walang ginawa kung hindi isipin kung papaano kayo panalunin, kung papaano kayo tulungan, kung papaano kayong palakasin,” ani Pangulong Marcos.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang send-off rites para sa mga ateleta sa Philippine International Convention Center (PICC).

“Alam naman ninyo. Kahit nandoon kayo sa Phnom Penh, kahit nasa Cambodia kayo ay maririnig niyo. Basta makinig kayo nang mabuti, maririnig niyo ‘yung sigaw namin to encourage you,” sabi pa ng Pangulo.

Bukod sa mga atleta, kinilala rin ng Pangulo ang mga trainer, at coach.

“If this administration, this government, can do anything more to support our athletes, to support sports in our country, that this administration can do, that I personally can do, you please make sure you will tell me because we are all rooting for you,” dagdag pa ng Pangulo.

Binigyan-diin din ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng isports sa pagkakaroon ng disiplina, kalusugan, at pakikisalamuha sa iba.