Calendar
PBBM hihingi ng tulong sa Germany
Para maisaayos energy transition efforts
PERSONAL na hihingi ng tulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Germany para maisaayos ang energy transition efforts ng Pilipinas.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa pagdating sa Berlin para sa tatlong araw na working visit kung saan kasama niya si First Lady Liza Marcos.
Bukod sa energy transition efforts, magpapatulong din si Pangulong Marcos sa Germany sa manufacturing, healthcare, agriculture, aerospace, innovation and startups, IT-BPM, at minerals processing.
Sinalubong sina Pangulong Marcos at First Lady Liza ni Philippine Ambassador to Germany Irene Susan Natividad at iba pang opisyal sa Philippine Embassy sa Berlin.
Habang nasa Germany, makikipagpulong si Pangulong Marcos kay German Chancellor Olaf Scholz para hingin ang expertise ng Germany sa renewable energy.
Makikipagpulong din si Pangulong Marcos sa Filipino community sa Berlin.