Calendar
PBBM hindi tumigil sa hiling na mapababa parusa, bigyan ng pardon si Mary Jane Veloso
HINDI umano tumigil si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paghiling sa Indonesia na ibaba ang parusa laban kay Mary Jane Veloso na hinatulan ng kamatayan dahil sa pagdadala ng ipinagbabawal na gamot.
Bukod sa pagpapababa sa parusa, hinihiling din umano ng Pangulo na bigyan ng pardon si Veloso na sinasabing nilinlang upang dalhin ang bag na may lamang ipinagbabawal na gamot.
“We haven’t really stopped,” sabi ng Pangulo. “The impasse is we continue to ask for a commutation or even a pardon or extradition back to the Philippines. That is constantly there.”
Ang mga naunang tugon ng Indonesia, ito ang kanilang batas.
“They’ve already given us postponement… but that doesn’t mean it’s done. I will always, I’ll always at least bring it up. Baka sakali… baka sakali magbago,” dagdag pa ni Pangulong Marcos.
Noong 2022 ay humingi ng executive clemency si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo para kay Veloso na naaresto noong 2010 dahil sa pagdadala ng 2.6 kilo ng heroin.