BBM1

PBBM hinimok cable TV, telcos na tumulong sa digitalization ng bansa

221 Views

HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga cable television at telecommunications company na tumulong sa gobyerno para sa digitalization ng bansa, pagpaparami ng micro, small and medium enterprises (MSMEs), at pagtatayo ng mga imprastraktura para sa information and communications technology sa mga malalayong lugar.

“I ask you to closely collaborate with the government in pursuing initiatives for the digitization of our services, the expansion of our MSMEs, and the establishment of information and communications technologies in remote areas in the country,” ani Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa 23rd International Cable Congress and Exhibit ng Federation of International Cable Television and Telecommunications Association of the Philippines (FICTAP) na ginanap sa Manila Hotel.

“If we are to sustain our soaring economy, we must help small- to medium-scale industries in using digital platforms to improve their services and to connect with their consumers and also their colleagues in the same industry or in the same line of business,” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na itinutulak ng gobyerno ang mga inisyatiba gaya ng National Broadband Program, Free Wi-Fi for All Program, the Luzon Bypass Infrastructure, at pagtatayo ng Passive Telecommunications Tower Infrastructure Sites na makatutulong upang maabot ang mga target sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028

Kinilala rin ng Pangulo ang naging papel ng cable television at cable internet industry sa pagiging moderno ng lipunan.

“This crucial role of your industry was highlighted and shown in its true importance during the recent Covid-19 pandemic, when you provided hope to many of your fellow Filipinos that utilized your… services and facilities,” sabi pa ng Pangulo.

Nangako rin ang Pangulo na kaisa ito ng FICTAP sa pagpapabilis at paglalatag ng maaasahang internet connectivity sa bansa.