Undas UNDAS – Makikitang dumadalaw si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating First Lady Imelda Marcos sa puntod ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.

PBBM, Imelda magkasamang dumalaw sa puntod ni Marcos Sr.

Chona Yu Nov 1, 2024
71 Views

Undas1Undas2

MAGKASAMANG dumalaw sa puntod ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating First Lady Imelda Marcos.

Dumalo ang mag-ina sa misa para sa dating pangulo.

Sa mensahe ni Pangulong Marcos, pinasalamatan nito ang mga taga-suporta ng pamilya Marcos na dumalo sa misa.

“Kaya’t naman mas naging makabuluhan ang aming Undas dahil sa inyong pagdating. At lalong-lalo na dahil nararamdaman namin na mula sa inyo ang pagmamahal ninyo sa aking ama at sa pag-alala sa aking ama. Maraming, maraming salamat sa inyong lahat,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Kaya’t nasisiyahan po ako dahil nandito po kayo dahil kahit papaano ay mahalaga sa amin ang naalala ang aking ama, ang kanyang buhay. Hindi mo maiwasan na may kasamang lungkot na dala ‘yung pag-aalala na ‘yan,” pahayag ng Pangulo.

Nagbalik tanaw ang Pangulo sa mga nagawa ng kanyang ama partikular na ang ginawang panalangin para sa bansa.

Nakasaad sa prayer for the nation ng dating pangulo ang paghingi ng gabay sa Panginoon para mapaganda pa ang Pilipinas.

“Ngayon na nakaupo ngayon ako bilang Pangulo, mas lalong naging mahalaga ang kanyang mga salita,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Kaya’t pagka iniisip ko… Alam ninyo pagka mayroon tayong patay nakalagay diyan RIP, rest in peace. Siyempre ‘yan din ang ninanais natin para sa aking ama. Ngunit hindi sapat na sasabihin lang natin rest in peace. Para mag-rest in peace ang aking ama, kailangan ipagpatuloy natin ang trabahong sinimulan niya, ipagpatuloy natin ang pagpaganda ng Pilipinas, at ang pagmamahal sa Pilipino,” pahayag ni Pangulong Marcos.