BBM2

PBBM inaprubahan planong paglinang ng offshore wind sa paggawa ng kuryente

227 Views

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang plano ng Department of Energy (DOE) na gamitin ang offshore wind (OSW) sa paggawa ng kuryente.

Bago umalis patungong Cambodia para sa ASEAN Summit, nakipagkita si Marcos kay DOE Secretary Raphael Lotilla at iba pang opisyal ng ahensya para pag-usapan ang offshore wind energy production initiatives.

Ibinilin umano ni Marcos ang pangangailangan na pabilisin ng DOE ang proseso at itayo ang Offshore Wind Development and Investment Council.

Ang DOE umano ang dapat na makipag-usap sa mga OSW developer. Ang itatayo naman umanong Council ang magsisilbing one-stop shop para sa mga OSW developer.

Ayon sa DOE mayroong 42 inaaprubahang offshore wind contracts na may kabuuang kapasidad na 31,000 megawatts (MW).