DA

PBBM inatasan DA na gamitin sobrang koleksyon sa RCEP para matulungan mga magsasaka

173 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na gamitin ang sobrang koleksyon sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) upang tulungan ang mga magsasaka ng bigas.

Ayon sa Pangulo ang sobra sa P10 bilyong koleksyon sa RCEF ay dapat gamitin sa pagbili ng mga kagamitan ng mga magsasaka upang maparami ang kanilang produksyon.

Sa ilalim ng Republic Act 11203 o ang Rice Tariffication Law (RTL), ang P10 bilyon ng kita ng gobyerno mula sa buwis na ipapapataw sa imported na bigas ay dapat mapunta sa mga programa para sa mga magsasaka.