BBM1

PBBM inutusan DOJ na palayain kuwalipikado sa parole

Hector Lawas Jan 10, 2023
195 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Justice (DOJ) na ipagpatuloy ang pagpapalaya sa mga persons deprived of liberty (PDL) na kuwalipikado na mabigyan ng parole upang mapaluwag ang mga kulungan sa bansa.

Batay sa kanyang karanasan bilang gubernador ng Ilocos Norte, sinabi ni Marcos na mayroong mga PDL na nakakulong dahil hindi nakakuha ng magaling na abugado ang mga ito.

“Wala naman silang magaling na abugado. So that’s why we are in favor now to release many of them,” sabi ni Marcos sa isinagawang Cabinet meeting. “They just needed representation to set them free. So let’s continue with that.”

Sinuportahan din ni Marcos ang plano ng DOJ na magtayo ng mala-Alcatraz na kulungan kung saan ipapasok ang mga kriminal na halang ang bituka upang matiyak na hindi na makagagawa ng krimen ang mga ito habang nasa piitan.