Meralco

Meralco may taas-singil ngayong Enero

Arlene Rivera Jan 10, 2023
100 Views

MAGPAPATUPAD ng P0.6232 kada kiloWatt hour (kWh) na taas singil ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Enero.

Ayon sa Meralco ang P10.2769 kada kWh na singil noong Disyembre ay magiging P10.9001 kada kWh ngayong buwan.

Ito ay katumbas ng dagdag na P125 kada buwan sa residential customer na gumagamit ng 200 kWh na kuryente kada buwan.

Ang mas mataas na generation charge umano ang nagpataas sa singil.