BBM2

PBBM ipinag-utos pamimigay ng ayuda sa sari-sari store na apektado ng rice price ceiling

158 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyan ng ayuda ang mga sari-sari store na naapektuhan sa ipinatutupad na price ceiling sa bigas.

Ayon sa DSWD, sisimulan nito ang pamimigay ng cash assistance sa mga sari-sari store owner sa Setyembre 25.

Ang Department of Trade and Industry (DTI) umano ang tumukoy sa mga magiging benepisyaryo.

Nauna rito ay ipinag-utos ng Pangulo ang pamimigay ng ayuda sa mga maliliit na rice trader na naapektuhan sa pagpapatupad ng price ceiling.

Ayon sa DSWD umabot na sa PhP92.415 milyon ang tulong pinansyal na naibigay nito sa 6,161 micro at small rice retailers. Ang target matulugan ng ahensya ay 8,390 na maliliit na rice trader.

Sa ilalim ng Executive Order 39, ang regular milled rice ay dapat ibenta sa halagang P41 kada kilo samantalang ang well-milled rice ay P45 kada kilo.