De Vera

PBBM ipinag-utos reevaluation ng 83 maritime school

167 Views

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasagawa ng reevalutaion sa 83 maritime school sa bansa upang patuloy na kilalanin ng European Union ang sertipikasyon na ibinibigay ng bansa sa mga manlalayag.

Ayon kay Commission on Higher Education chairman Prospero de Vera III tatagal ng dalawang taon ang isasagawang reevaluation.

Gagamitin umano sa reevaluation ang pamantayan na EU.

Sinabi ni de Vera na 30 eskuwelahan ang isasalang a reevaluation kada taon subalit nais ng Pangulo na dagdagan ang bilang na ito at itaas sa 40 upang mas mapabilis ang pagtatapos ng ebalwasyon at mapaikli ito sa dalawang taon sa halip na tatlo.

Ayon kay de Vera 15 maritime program ang ipinasara noong nakaraang taon dahil sa hindi pagsunod sa panuntunan.