PBBM ipinagpaliban taas-pasahe sa LRT-1, LRT-2

Jun I Legaspi Apr 11, 2023
214 Views

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) na ipagpaliban ang nakatakdang pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Line 1 at 2.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista susunod ang DOTr sa utos ng Pangulo at kanilang pag-aaralan ang epekto ng pagtataas ng pasahe sa tatlong pangunahing rail line.

“In compliance with the President’s instruction, we will thoroughly study how a fare hike today will impact on passengers of our three rail lines in Metro Manila,” sabi ni Bautista.

Nilinaw ni Bautista na maging ang pagtataas ng pamasahe sa Metro Rail Transit 3 ay ipinagpaliban din.

Inendorso ng DOTr-Rail Regulatory Unit (RRU) ang pagtataas ng pamasahe sa LRT 1 at 2.

“The fare increase will enable the two rail lines’ [LRT-1 and LRT-2] to improve their services, facilities and technical capabilities,” sabi ni Bautista. “The fare adjustment will help sustain the two commuter rail lines’ affordable mass transport services.”

Huling nagtaas ang pamasahe sa LRT 2 at MRT 3 noong 2015. Naisapribado naman ang LRT-1 noong 2015 at hindi pa nakakapagpatupad ng pagtataas sa pamasahe mula noon.

Ang minimum na pamasahe sa LRT 1 at 2 ay itataas sa P13.29 mula sa P11 at dagdag na P1.21 kada kilometro.

With the approved adjustments, the minimum boarding fee for the two lines would be increased to P13.29 from P11 and the per kilometer rate traveled of P1 will be hiked to P1.21 per kilometer.