Tugade

LTO nirerepaso mga polisiya para mapabilis pagkuha ng lisensya

128 Views

NIREREPAO ng Land Transportation Office (LTO) ang mga polisiya nito kaugnay ng pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho para mas mapabilis ang proseso.

Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade tinitignan ang polisiya sa medical examination, driving examination, at insurance.

Isang technical working group umano ang binuo upang irepaso ang mga polisiya kaugnay ng mga driving schools at driving examination para malaman kung ano ang maaaring gawin para mapaikli ito.

Nauna ng inalis ng LTO ang mandatory periodic medical examination para sa mga lisensya na mayroong limang taon at 10-taong validity.