BBM1

PBBM itatalagang kalihim ng DA isang eksperto sa agrikultura

242 Views

ISANG eksperto umano sa agrikultura ang itatalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Pangulong Marcos dapat ang magiging DA secretary ay pamilyar sa mga solusyon sa mga problemang kinakaharap ng ahensya.

“Hindi lang kung sino-sino basta’t magaling mag-manage. They have to understand the science… They have to understand the solution. They also have to understand the system,” ani Pangulong Marcos.

Sa paniwala ni Marcos ay hindi umano isang retiradong pulis o sundalo ang nababagay na mamuno sa DA maliban na lamang kung ito ay mayroon ding malawak na kaalaman sa agrikultura.

“Mayroon naman nag-retire diyan, they got heavily involved in agriculture, baka marunong na talaga sila, why not?” sabi ng Pangulo.

Sa kasalukuyan, ang Pangulo ang siyang namumuno sa DA.