BBM2

PBBM itinalaga si Techico bilang special envoy sa China

197 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Benito Techico bilang special envoy for trade, investments, and tourism sa China.

Nanumpa na si Techico kay Pangulong Marcos, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Ayon sa Office of the President ipinahayag ni Marcos ang kanyang pag-asa na ang pagtatalaga kay Techico ay magreresulta sa lalo pang paglakas sa ugnayan ng Pilipinas at China.

Si Techico ay dating Chief Executive Officer at Pangulo ng Philippine Blue Cross Biotech Corporation.