Koshikawa

100,000 Pinoy kukunin para magtrabaho sa Japan

124 Views

NASA 100,000 trabaho ang bubuksan ng Japan para sa mga Pilipino ngayong taon.

Ayon kay Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa ang mga trabahong iaalok sa mga Pilipino ay nasa sektor ng health care, outsourcing, tourism, at information technology.

Sinabi ni Ambassador Koshikawa na maraming Japanese employer ang nais na kumuha ng mga Pilpino dahil masisipag ang mga ito at may dedikasyon sa trabaho.

Mataas din ang ibinibigay na sahod sa Japan.

Bukod sa trabaho, nagbibigay din ng pagkakataon ang Japan sa mga estudyanteng Pilipino na nais na mag-aral doon.