Nazareno

PBBM: Kapistahan ni Hesus Nazareno patunay ng pagkakaisa ng mga Pinoy

Chona Yu Jan 9, 2025
10 Views

SA mensahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabi nito na ang Kapistahan ni Hesus Nazareno ay isang patunay ng pagkakaisa at samahan mga mga Filipino

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang makasaysayang tradisyong ito ay nagbigay daan upang mapagtanto ng mga tao ang lakas na nagpapahintulot na makatagpo ng pagkakaisa sa pananampalataya bilang isang bayan.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang pagbubuhat ng imahe ni Hesus Nazareno at ang kanyang krus ay nagpapaalala sa dakilang sakripisyo na pinagdaanan ng Panginoon at tagapagligtas sa kanyang buhay.

”Moreover, it also speaks of the immense power and compassion of God who walks with us and hears our prayers, especially in our time of need,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Ang napakalaking pagtitipon aniya ng mga Filipino sa mga kalye ng Maynila ay isang patunay ng pagkakaisa at samahan ng. mga tao.

Kasabay nito hinikayat ng Pangulo ang publiko na pagtagumpayan ang mga hamon na sumusubok sa kanilang determinasyon gamit ang pananampalataya at biyaya, at maging bukas-palad sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kabutihang-loob at malasakit sa panahon ng Kapistahan.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang bawat Filipino ay nagsisilbing huwaran ni Hesus Nazareno sa kanilang pang-araw-araw na buhay bilang mga tagapagdala ng pag-asa, mga tagapamayapa, at mga tagapagtayo ng lipunan.