BBM2

PBBM kinilala dedikasyon ng mga OFW sa Europa

291 Views

KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dedikasyon, kabutihang-loob, at kabaitan ng mga overseas Filipino worker na dahilan kung bakit mataas ang tingin sa mga Pilipino na nasa Europa.

“The Filipino community organizations here in Europe continue to maintain deep and growing friendships with people of different nations. Filipinos in this part of the world will continue to be highly regarded because of your jolly and high-spirited manner, hard work, your dedication,” sabi ng Pangulo sa kanyang pakikipagkita sa Filipino community sa Belgium.

Nangako si Marcos na gagawa ng mga hakbang upang mapaganda ang ekonomiya at makalikha ng maraming mapapasukang trabaho sa bansa.

“Kinahahangaan kayo ng mga locals, lahat ng mga katrabaho ninyo, lahat ng mga nakilala ninyo, sinasabi na ang galing talaga ng mga Pilipino,” dagdag pa ng Pangulo.

Umaasa si Marcos na darating ang panahon kung kailan hindi na kailangang magtrabaho sa ibang bansa ang mga Pilipino.

“Kaya’t sana naman dumating ang panahon, at ito ang ating pangarap na wala nang kailangan umalis ng Pilipinas dahil walang mahanap na trabaho sa Pilipinas. Aabutin din natin ‘yan,” ani Marcos.

Bukod sa mga Pilipino na nasa Belgium, dumalo sa pagtitipon ang mga Pinoy na nasa Luxembourg, the United Kingdom, Germany, France, Poland, the Netherlands, at Switzerland.

Ang Pangulo ay nasa Brussels para sa dumalo sa Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) commemorative summit.