BBM2 Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pinakamalaking logistics facility sa bansa

PBBM kumpiyasa malaki matutulong ng Maersk facility sa PH logistics system

Chona Yu Oct 30, 2024
41 Views

BBM3Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na malaki ang maitutulong ng Maersk Optimus distribution center sa Calamba City, Laguna para mapalakas ang logistics system sa bansa.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pagbubukas ng mega distribution facility, sinabi nito na tiyak na magiging powerful force ang Pilipinas.

“With the grand opening of the Maersk Optimus Distribution Center, our logistics system will be a step closer to become a powerful force – bridging our islands, breathing life into our industries, our businesses, bringing together our people on a path towards sustained development,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“As one of the largest logistics centers in the country, the Maersk Optimus Distribution Center is poised to bolster import and export activities in Southern Luzon, especially in Bicol and Calabarzon,” dagdag ng Pangulo.

Nabatid na umakyat na sa ika 43 puwesto ang Pilipinas mula sa 139 na bansa sa World Bank’s 2023 Logistics Performance Index, mas mataas kumpara sa ika-60 na puwesto noong 2018.

“Our gains in customs efficiency, infrastructure quality, on-time deliveries made this rank improvement possible,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nasa P4.8 bilyon ang ipinuhunan ng Maersk sa pagpapatayo sa mega-facility sa 10 ektaryang lupa sa Calamba.

Saludo si Pangulong Marcos sa Maersk dahil sa pagsuporta nito saa inisyatibo ng gobyerno na pangalagaan ang kalikasan.

“From utilizing solar power to reduce its grid consumption by 30 percent to deploying electric vehicles for last-mile services, it is committed to earning a Gold Certification under the Leadership in Energy and Environmental Design. Environmental stewardship is a cornerstone of this administration’s agenda, and it is heartening to see the private sector partners echoing this commitment,” pahayag ni Pangulong Marcos.