Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
BBM1

PBBM: Makabagong teknolohiya gamitin sa pangangalaga ng kalikasan

Neil Louis Tayo Jun 27, 2023
390 Views

BINIGYAN-DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan na gumamit ng mga makabagong teknolohiya upang mapangalagaan ang kalikasan.

Sa isinagawang pagpupulong ni Pangulong Marcos at mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) tinalakay ang pagbuo ng isang natural resources geospatial mapping tool.

Ang panukalang mapping tool na pangangasiwaan ng Geospatial Database Office (GDO) ng DENR.

Magagamit umano upang matukoy ang mga lugar kung saan itutuon ang reforestation effort ng gobyerno.

Gagamitin din ito sa pamamahala ng watershed at pagbabalangkas ng mga patakaran sa pagmimina.

Magagamit din ito sa pagbantay sa mga river basin, watershed, at kagubatan na kailangang pangalagaan, sa tulong ng mga satellite imagery na malilikha ng ahensya sa suporta ng Philippine Space Agency (PhilSA).