BBM2

PBBM: Maraming trabaho malilikha sa township dev’t ng Bacolod

169 Views

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makalilikha ng maraming trabaho ang township development sa Bacolod City.

Sa kanyang pagdalo sa ceremonial unveiling ng township marker, sinabi ni Marcos na ang ginagawang paglinang ng Megaworld sa lugar ay mahalaga sa itinutulak ng kanyang administrasyon ng post-pandemic economic transformation.

“We are coming out of a difficult time in our economic history. But we see the light coming not from one place,” sabi ng Pangulo.

“We see the light coming from our own people, from our government, and of course our private sector partnerships, individual citizens, and all of those who have participated in the partnerships that we are slowly forging and to give everyone a part in this transformation of our economy,” sabi pa ni Marcos.

Naniniwala si Marcos na hindi lamang trabaho ang malilikha ng proyekto kundi trabaho na makatutulong sa mga pamilya upang mapaganda ang estado ng kanilang buhay.

“If we continue on this trajectory, I am very confident, malakas ang loob ko na makapagsabi na siguro sa ilang taon, hindi na tayo masyadong maghihintay makikita natin na dadami ang trabaho at ang pinag-uusapan dito ay hindi ‘yung basta-basta trabaho kung hindi ‘yung magagandang trabaho na may kasamang benefit, may kasamang mga safety net, na may kasamang mga lahat ng mga pangangailangan ng mga trabahador, which is something that is very, very important because it is quality jobs,” dagdag pa ng Pangulo.

Ayon kay Kevin Tan, CEO ng Megaworld inaasahan na makalilikha ang proyekto ng 500,000 direct at indirect jobs sa Negros Occidental.

Kasama sa proyekto ang pagtatayo ng Megaworld Lifestyle Mall, at ang kauna-unahang Landers Superstore sa Western Visayas.

Nakikita umano ni Tan na magiging isang pangunahing tourism destination ang Bacolod.