BBM2

PBBM muling iginiit kahalagahan ng pamumuhunan sa sektor ng agrikultura

227 Views

MULING iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng pamumuhunan sa sektor ng agrikultura upang ito ay maging moderno at mas produktibo.

Sa kanyang talumpati na binasa ni Presidential Assistant for Northern Luzon Assistant Secretary Ana Carmela Remigio para sa ika-36 komemorasyon ng Cordillera Day, sinabi ng Pangulo na ang pag-unlad ng mga sakahan ay hindi lamang magpapabuti sa kalagayan ng mga magsasaka kundi sa buong bansa.

“As President and concurrent Agriculture Secretary, I am relentlessly pushing and prioritizing the development of our agricultural lands. I cannot emphasize it enough, but we really need to invest in the development, productivity, and modernization of our agricultural sector,” ani Pangulong Marcos.

“By building infrastructure and improving market linkages of our farmers, our farmlands will yield not only crops, but also opportunities that create ripples of positive effects throughout our nation,” dagdag pa nito.

Hindi nakadala ang Pangulo sa pagtitipon dahil sa sama ng panahon.

Nanawagan ang Pangulo sa publiko na ipagpatuloy ang pagsuporta sa adhikain ng gobyerno na mapabuti ang kalagayan ng bawat Pilipino.

“Please allow me to take this opportunity to once again express my utmost gratitude for the overwhelming support you gave me during last year’s national elections. The trust that you have given motivates me to keep going and serve you with passion, strength, and purpose,” dagdag pa ng Pangulo.

Binanggit din ni Pangulong Marcos ang potential ng Cordillera sa larangan ng hydropower, irigasyon, at agrikultura.