BBM1

PBBM nagpasalamat sa hari ng Cambodia

Chona Yu Feb 11, 2025
10 Views

NAGPASALAMAT si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa hari ng Cambodia sa pagbibigay ng pardon sa 13 Filipino surrogate mothers na nasangkot sa cross border human trafficking case noong isang taon.

Ipinaabot ni Pangulong Marcos ang pasasalamat nang mag-courtesy call si Cambodian Prime Minister Hun Manet sa Palasyo ng Malakanyang.

“Finally, let me take this opportunity to once again express my gratitude to His Majesty King Norodom Sihamoni for the grant of royal pardon to 13 Filipino surrogates and to your government for the assistance given to them during their time in Cambodia,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“We will never forget this act of magnanimity from His Majesty, a testament to the strong relations between our two countries. Rest assured, we will continue to stand with you in the fight against transnational crimes and their adverse effects on our peoples and on our communities,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Matatandaan na kabilang ang 13 Filipino surrogate mothers sa 24 na dayuhang kababaihan na dinakip ng Cambodian police sa Kandal province noong Setyembre ng 2024 sa kasong attempted corss border human trafficking.

Nitong Disyembre 29, 2024 nang dumating sa bansa ang 13 Filipino surrogate mothers makaraang mabigyan ng royal pardon base na rin sa apela ng Philippine Embassy sa Phnom Penh.

Pangako ni Pangulong Marcos, magpupursige ang Pilipinas para labanan ang transnational crime.