BBM2

PBBM nagpasalamat sa tulong ng ADB sa Pinas

Chona Yu Jan 23, 2025
12 Views
BBM3
Ibinigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Order of Sikatuna kay outgoing Asian Development Bank (ADB) President Asakawa Masatsugu na nag-farewell visit sa Malacañang Palace nitong Enero 23, 2025.
Mark Balmores/PPA Pool

PERSONAL na ipinaabot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..sa pamunuan ng Asian Development Bank ang kanyang taos-pusong pasasalamat dahil sa mga tulong na ibinibigay sa Pilipinas.

Kinilala at at pinapurihan ni Pangulong Marcos ang mahahalagang kontribusyon ng ADB sa pag-unlad ng bansa, lalo na noong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa farewell call sa Malakaanyang ni outgoing ADB President Masatsugu Asakawa , sinabi ng Pangulo na lumago ang partnership ng ADB at Pilipinas.

Partikular na aniya ang mahalagang suporta ng ADB noong pandemya kung saan napakahalaga ng tulong nila para sa pagbangon ng bansa.

“Of particular note, it was the support of ADB during the pandemic. That was critical. That was absolutely critical for our recovery. Without your help it would have been a much more difficult situation for us,” ayon pa kay Pangulong Marcos

Dagdag pa ni Pangulong Marcos na ang ADB ay patuloy na nangunguna sa mga proyektong pinondohan ng mga banyagang institusyon sa bansa.

Ipinahayag din ng Pangulo ang kanyang layuning palakasin pa ang partnership ng Pilipinas at ADB.

Bilang paggalang sa walang sawang suporta at serbisyo ng ADB, ipinagkaloob ng Pangulo kay Asakawa ang Order of Sikatuna na may ranggong Datu (Grand Cross) Gold Distinction.