BBM1

PBBM nagpasalamat sa UAE president sa pag-pardon sa 3 Pinoy

139 Views

NAGPASALAMAT si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay United Arab Emirates President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan sa pag-pardon nito sa tatlong Pilipino, dalawa sa kanila ay nasa death row.

Ipinarating ni Pangulong Marcos ang pasasalamat nito sa isang tawag sa telepono.

Hiniling ng Pangulo sa UAE na i-pardon ang tatlong Pilipino dalawang buwan na ang nakakaraan.

Si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ang nagparating ng balita kay Pangulong Marcos matapos na mabatid ang balita mula kay UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi.

“Good evening Secretary. I am pleased to inform you that the appeal of President Ferdinand Marcos Jr. for three Filipinos, two of which are sentenced to death because of drug trafficking and 1 sentenced for 15 years for the crime of slander, has been granted for humanitarian pardon by our President H.H. Shiekh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan,” sabi ng UAE Ambassador kay Abalos.

Dalawa sa tatlong binigyan ng pardon ang nahatulan sa pagdadala ng ipinagbabawal na gamot samantalang ang isa pa ay hinatulan na makulong ng 15 taon sa kasong slander.

Nagpasalamat din ang Pangulo kay Sheikh Mohamed sa ipinarating nitong tulong sa mga pamilyang apektado sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

“I am thankful because you have done so much for us. That’s the least we can do. Then the usual things about having stronger relations and I said my part about the very good treatment of Filipino nationals in UAE,” sabi ni Pangulong Marcos.

Inimbitahan naman ni Sheikh Mohamed ang Pangulo na dumalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference na gaganapin sa Dubai sa Disyembre.

Si Pangulong Marcos ay nag-imbita rin kay Sheikh Mohamed na dumalaw sa Pilipinas.