Calendar
PBBM nagtungo sa Thailand para sa APEC
NAGTUNGO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Thailand para dumalo sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM).
Sa kanyang mensahe bago umalis, sinabi ni Marcos nais nitong dalhin sa pagpupulong ang mga pangarap na pag-unlad ng bansa.
“Ang dala natin sa ganitong mga summit at mga meeting ay ang ating mga pangarap,” ani Marcos.
Kabilang sa agenda ng pagpupulong ang pagkakaroon ng seguridad sa suplay ng pagkain at enerhiya, at pagpapa-unlad ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Inaasahan din ang pakikipagkita nina Marcos at First Lady Louise Araneta-Marcos kina King Maha Vajiralongkorn Phra Vajiraklaochaoyuhua at Queen Suthida Bajrasudhabimalalakshana.
Makikipagpulong din ang Pangulo sa mga Thai business leaders at hihikayatin ang mga ito na magnegosyo sa bansa.
Bago umuwi ay dadalawin din ni Marcos ang Filipino community doon.
“APEC remains one of the Philippines’ prime platforms to engage the economies in the Asia-Pacific region. The importance of this region to us cannot be overstated,” saad ng Pangulo.
Nasa rehiyon ang 38 porsyento ng populasyon ng mundo, 48 porsyento ng kalakalan at 62 porsyento ng gross domestic product (GDP).