PBBM

PBBM namahagi ng ayuda sa mga magsasaka, mangingisda sa Tawi-Tawi

Chona Yu May 23, 2024
143 Views

TAWI-TAWI — Sampung libong benepisyaryo ang tumanggap ng tig P10,000 tulong-pinansyal mula sa Office of the President.

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang namahagi ng presidential assistance sa mga magsasaka, mangingisda at kanilang pamilya na matinding naapektuhan ng tagtuyot dulot ng El Niño.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na sinadya niya ang Tawi-Tawi para personal na makitang natatanggap ng mga tao ang tulong ng gobyerno.

Ang tulong na galing sa tanggapan ng Pangulo ay bukod pa sa P10,000 ring ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development

Nagbigay rin si Pangulong Marcos ng tig P10 milyon sa provincial governments ng Tawi-Tawi at Basilan.

Ang tanggapan naman ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay namahagi ng tig-limang kilong bigas sa lahat nang dumalo sa aktibidad na ginanagap sa munisipalidad ng Bongao.

Todo-pasasalamat si Tawi-Tawi Governir Yshmael Sali sa pagbisita ng Pangulo sa kanilang lalawigan.

Ayon sa gobernador, malaking bagay para sa napakalayo nilang lugar na mabigyan ng oras ng Pangulo idagdag pa ang napakaraming tulong na dala nito para sa kanilang mga kababayan.