BBM

PBBM nangako ng mas maigting na suporta sa mga atleta

357 Views

NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paiigtingin ang suporta ng gobyerno sa mga atleta.

Kasabay ito ng pagpuri ni Marcos sa Philippine Women’s National Football team Filipinas sa kanilang makasaysayang panalo noong weekend.

“We have to do better in terms of government support when it comes to our athletes. Medyo nabawasan nung nawala ‘yung sports sa eskuwelahan, when DECS (Department of Education, Culture and Sports) became Department of Education alone, the emphasis on sport became a little bit less,” sabi ni Marcos.

Nag-courtesy call kay Marcos ang mga miyembro ng team sa Malacañang ngayong Miyerkoles.

“But that is something that we really should encourage because sport means more than just playing games. It means developing discipline, learning how to sacrifice, learning to be gracious in victory, learning to work with other people as a team,” sabi ng Pangulo.

Bukod sa kanilang panalo, pinuri rin ni Marcos ang sakripisyo at dedikasyon ng mga atleta matapos na malagpasan ang mga pagsubok na kanilang kinaharap.

Noong Linggo ay nanalo ang Filipinas at nakuha ang kauna-unahang Asean Football Federation (AFF) Women’s Football championship crown ng bansa matapos na talunin ang Thailand sa iskor na 3-0 sa Rizal Memorial Stadium.

Naunang tinalo ng Filipinas ang koponan ng Vietnam na siyang defending champion.

Naghahanda na ang Filipinas sa kanilang pagsibak sa Fifa na idaraos sa Australia at New Zealand.