Eleksyon

PBBM nilagdaan batas na magpapaliban ng eleksyon sa BARMM

Chona Yu Feb 21, 2025
13 Views

NILAGDAAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bagong batas na magpapaliban sa eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa People’s Journal.

Sa halip na sa Mayo 12, iuurong ang parliamentary election sa Oktubre 13 ngayong taon.

Sinabi naman ni Commission on Elections Chairman Erwin Garcia na naghahanda na ang kanilang hanay sa eleksyon sa BARMM

“Ang Comelec, nagsisimula na kami na magkaroon ng paghahanda patungkol dito sa bagay na ito kasi siyempre separate na eleksyon na ito at hindi na kasabay ng national at local elections,” pahayag ni Garcia.

Una rito, sinertipikahan ni Pangulong Marcos noong Enero ang panukalang batas na ipagpaliban ang eleksyon sa BARMM.