Calendar
PBBM: Palakasin produksyon ng gamot sa bansa
ITINULAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalakas ng produksyon ng gamot sa bansa matapos ang naranasan ng mga Pilipino sa kasagsagan ng pandemya.
“Let’s maximize the local production. The initial reason why this came up is the supply problems that we encountered during the lockdowns so we need to be prepared. We should be able to produce the local supply of essential medicines,” sabi ni Pangulong Marcos sa pakikipagpulong nito sa Private Sector Advisory Council (PSAC) healthcare sector group.
Inatasan ng Pangulo ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) na makipagtulungan sa pribadong sektor sa pagtukoy sa mga gamot na gagawin sa bansa.
Babantayan naman ng PSAC ang bagong teknolohiya sa healthcare na maaaring magamit sa mga malalayong lugar upang mairekomenda ito sa DOH at PhilHealth.
Pag-aaralan din ni PSAC ang mga diagnostics centers na maaaring maitayo sa mga malalayong lugar.
Muli ring itinulak ng PSAC ang digitalization ng information system ng FDA na inaasahang matatapos sa Agosto.