BBM

PBBM: PH tutugon sa 10 dash line ng China

Mar Rodriguez Sep 1, 2023
197 Views

HINDIA mananahimik na lamang ang Pilipinas sa paglalabas ng 10-dash line ng China na nagpapalawig sa umano’y nasasakupan nito sa South China Sea.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bagamat tumanggi itong idetalye ang mga gagawing hakbang ng bansa.

“We received the news that now the nine-dash line has been extended to the ten-dash line so these are… we have to respond to all of these and we will. But again, these are operational details that I would prefer not to talk about,” ani Pangulong Marcos.

“We have stayed true to rules-based international law especially the UNCLOS and that I think puts us in a solid ground in terms of our claims for territorial sovereignty, for maritime territory,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang 10 dash line na inilabas ng Ministry of Natural Resources ng China ay tinutulan din ng iba pang bansa gaya ng India at Malaysia.

Ayon sa bagong mapa, ang teritoryo umano ng China ay abot hanggang sa northeastern state ng Arunachal Pradesh at Aksai Chin na sakop ng India.