PBBM

PBBM pinagkalooban ng CoCRoMs 7,000 magsasaka sa Davao Region

Chona Yu Dec 5, 2024
30 Views

AABOT sa halos 7,000 magsasaka sa Davao region ang nakalaya na sa utang.

Ito ay matapos pagkalooban ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Certificates of Condonation with Release of Mortgage (CoCRoMs) ang mga magsasaka na nagkakahalaga ng P527 milyon.

Nabatid na nasa 9,058 CoCRoMs ang ipinamahagi ni Pangulong Marcos sa 6,951 agrarian reform beneficiaries.

Kasama sa condonation ang mga hindi nabayarang principal amortizations, interest at surcharges ng mga lupang isinangla sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

“Ang programang ito ay naglalayong gawing ganap na tagapagmay-ari ng inyong mga sinasaka. Ibig sabihin, wala na po kayong iisipin na babayarang amortisasyon, interes, at iba pang mga surcharge,” pahayag ni Pangulong Marcosn Marcos sa kanyang talumpati sa Panabo City Multi-Purpose Cultural and Sports Center sa Panabo City, Davao Del Norte.

“Sa madaling salita, lahat ng inyong utang burado na. Limpyo na tanan [Malinis na lahat],” dagdag ng Pangulo.

Kabilang sa mga nakatanggap ng CoCRoMS ang mga magsasaka mula sa Davao De Oro, Davao Del Norte, at Davao Oriental.

Tatapusin ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng condonation sa probinsya gaya ng sa Davao Del Sur, Davao Occidental, at Davao City bago matapos ang taong ito.

Namahagi rin si Pangulong Marcos ng 672 electronic titles (E-titles) sa 465 ARBs mula sa mga probinsya ng Davao del Norte at Davao del Sur kung saan saklaw nito ang 467 ektarya pati na ang 144 Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) sa 142 ARBs sa Davao City.