Calendar
PBBM pinalawig mas mababang buwis sa ilang agri products
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board na palawigin ang pansamantalang pagpapatupad ng mas mababang buwis sa mga piling produktong agrikultural upang hindi tumaas ang presyo nito.
Ayon sa NEDA ang Executive Order 171 na nagbababa sa Most Favoured Nation (MFN) tariff rate sa karne ng baboy, bigas, mais, at uling ay pinapalawig hanggang Disyembre 31, 2023.
Layunin nito na mabawasan ang epekto sa presyo ng pagpapatuloy ng gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na makatutulong ang pagpapalawig ng extension upang malimitahan ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin partikular sa pagkain.
“Through this policy, we shall augment our domestic food supplies, diversify our sources of food staples, and temper inflationary pressures arising from supply constraints and rising international prices of production inputs due to external conflict,” sabi ni Balisacan.
Kumpiyansa naman si Balisacan na mararating ng bansa ang 6.0% hanggang 7.0% paglago ng ekonomiya sa 2023.