BBM2

PBBM pinangasiwaan panunumpa ni Maynard Ngu

211 Views

PINANGASIWAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ni Maynard Ngu bilang Special Envoy sa bansang China para sa larangan ng kalakalan.

Kasama sa tungkulin na iniatas kay Special Envoy Ngu ang pagpapalago ng relasyon ng Pilipinas at China at ang pakikipag-ugnayan sa mga Chinese business leader at hikayatin ang mga ito na mamuhunan sa Pilipinas.

Naglabas ang President Communication Office ng (PCO) ng litrato sa naturang event na ginanap sa Malacañang noong Marso 3.