Baha Source: NCRPO file FB post

PBBM pinapa-update flood maps sa DENR

Chona Yu Sep 7, 2024
92 Views

Flood maps pinapa-update ni PBBM

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na i-update ang flood maps sa Pilipinas

Sa situation briefing sa bagyong Enteng sa Antipolo City, sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga na ma-update ang mapa dahil nagbabago na ang agos ng tubig baha sa mga nakalipas na panahon.

“What we’re going to have to do here is we’re going to have to really look and see what are the changes that have happened,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Tinukoy ni Pangulong Marcos ang ilang lugar sa Metro Manila na dati ay hindi binabaha, pero nalubog sa tubig noong manalasa ang bagyong Carina.

“Like in the case of Carina in Metro Manila, there were very distinct, there were identifiable causes why they haven’t had that flooding for 15 years but they now did,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Hinala ni Pangulong Marcos. Maaring nababarahan na ang mga daluyan ng tubig dahil sa urbanisasyon dulot ng pagdami ng mga proyektong pabahay.

Base sa pag-aaral ng DENR, ang maraming pabahay sa Rizal ang isa sa mga dahilan ng pagbaha.

Ayon sa Pangulo, kailangan ngayon ng pamahalaan ang “large-scale, long-term” plan sa flood control program.